A few days ago
Dax

Ibong Adarna? Help!?

can you give me a summary of that Ibong Adarna in tagalog… thnx..

Top 2 Answers
A few days ago
Anonymous

Favorite Answer

Ang namumuno sa Kahariang Berbanya ay si Haring Fernando. Tinutulungan naman siya ng kanyang asawang si Reyna Valeriana sa pamamahala. May tatlo silang anak, si Don Pedro, ang panganay, si Don Diego, ang ikalawa at si Don Juan, ang bunso, na pawang sinanay na maging pinuno.

Isang gabi, napanaginipan ng hari na pinatay ng dalawang lalaki ang kanyang bunso na naging sanhi ng kanyang pagkakasakit. Kalungkutan ang namayani sa buong kaharian dahil dito. Sa maraming manggagamot na tumingin, isa ang nagsabi na ang tanging lunas ay ang Ibong Adarna.

Inutusan ng hari si Don Pedro upang hanapin ang ibong magpapagaling sa kanya. Pagkalipas ng ilang taon, hindi ito nakabalik sapagkat naging bato nang tamaan ng dumi ng ibon sa Bundok Tabor. Ang sumunod ay si Don Diego. Katulad din ng kapalaran ni Don Diego. Humingi ng pahintulot si Don Juan sa ama na siya ang huhuli sa ibon at hahanap sa kanyang mga kapatid.

Naglakbay si Don Juan na ang tanging baon ay limang tinapay. Ang isang natitirang tinapay ay ibinigay niya sa isang ketonging humingi sa kanya ng limos. Naisalaysay niya sa ketongin ang kanyang pakay. Tinulungan naman siya ng ketonging makipagkita sa ermitanyo. Tinuruan siya ng ermitanyo kung paano makikilala at mahuhuli ang Ibong Adarna. Binigyan siya nito ng isang labaha at panghiwa sa kanyang palad, pitong dayap na ipipiga niya rito upang hindi siya makatulog at gintong sintas na gagamiting panali sa ibon.

Si Don Juan ay naghintay sa ilalim ng punungkahoy na kung tawagin ay Piedras Platas. Inaantok na siya nang dumating ang ibon. Sinunod niya ang lahat ng sinabi ng ermitanyo kaya madali niyang nahuli ang ibon. Inutusan din ng matanda si Don Juan na buhusan ng tubig ang dalawang batong buhay. At muli ngang nabuhay ang mga kapatid ni Don Juan.

Habang pabalik sa Berbanya, ginawan na naman ng kasamaan nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan.

Isang matanda ang dumamay at nagpala kay Don Juan. Pagbalik niya sa Berbanya, ganoon na lamang ang katuwaan ng hari. Maging ang Ibong Adarna na ayaw umawit ay umawit at nagpakita ng pitong magagandang bihis. Gumaling ang hari. Ang Adarna ay totoong naging mahalaga sa hari kaya pinabantayan ito sa tatlong prinsipe. Dahil sa kabuhungan ni Don Pedro, nakipagpalit siya ng oras ng pagbabantay at pinakawalan ang Ibong Adarna upang si Don Juan ang maparusahan. Nang mawala ang ibon, umalis ng walang paalam si Don Juan.

Ipinahanap ng hari si Don Juan sa dalawa niyang kapatid. Natagpuan nila sa Armenya si Don Juan. Maganda at tahimik ang Armenya kaya ipinasyang magsama-sama silang mamuhay dito at huwag nang bumalik sa Berbanya.

Sa kanilang paglilibot sa Armenya, nakatagpo sila ng balon. Naghugos sina Don Pedro at Don Diego. Subalit bumalik sapagkat natakot. Tanging si Don Juan ang nagpahugos hanggang sa matuklasan niya ang hiwaga sa balon. Natagpuan niya doon ang magkapatid na prinsesa sa pangangalaga ng higante at ang huli ay ahas na may pitong ulo. Iniligtas niya sa mga ito ang magkapatid. Naghugos ulit si Don Juan upang kunin ang naiwang singsing ni Leonora. Pinutol ni Don Pedro ang lubid kaysa tuluy-tuloy na bumagsak si Don Juan sa balon. Hiniling ni Leonora sa kaibigang lobo na tulungan at gamutin si Don Juan.

Isinama ng magkapatid ang dalawang prinsesa sa Berbanya at hiniling na sila’y magpakasal. Ngunit tumanggi si Prinesa Leonora at humingi ng pitong taong palugit.

Muling nagkita si Don Juan at Ibong Adarna. Nalaman niya ang tunay na pangyayari tungkol sa pagkawala ng Adarna. Pinayuhan ng Adarna si Don Juan na layuan na si Leonora. Hanapin na lamang niya si Donya Maria na ubod ng ganda sa kaharian ng Crystales.

Sa tulong ng isang ermitanyo, nakarating si Don Juan sa kaharian ng Crystales sakay sa isang agila. Nagkita sina Don Juan at Donya Maria. Dahil sa nabihag ni Don Juan ang puso ng dalaga, itinuro sa binataang mga dapat isagot nito pagharap sa ama, si Haring Salermo.

Sinabi ng binata kay Haring Salermo ang kanyang pakay. Handa siyang sumunod sa anumang ipag-uutos nito. Binigyan siya ng hari ng pitong bagay na isasagawa niya. Ilan sa mga ito ang pagtitibag at pagpapatag ng bundok na sasabugan ng trigong gagawing tinapay sa loob lamang ng magdamag; ang pagkuha sa singsing ng hari na nahulog sa dagat, at marami pang iba. Sa tulong at taglay na mahika ni Donya Maria, naisagawa lahat ng kahilingan ni Haring Salermo.

Ipinatawag ng hari si Don Juan upang mapili nito ang prinsesang kanyang napupusuan- Si Donya Maria. Hindi ito naibigan ng hari. Binalak ng hari na ipadala sa Inglatera si Don Juan at ipakasal na lamang ito sa kanyang kapatid babae. Nalaman ni Donya Maria ang balak ng ama kaya nagtanan sila ni Don Juan. Dahil dito, nagalit ang hari. Sinundan niya ang maga itongunit hindi inabutan. Sa halip isinumpa niya ang anak.

Nanirahan sa munting baryo ang magkasintahan. Iniwan ni Don Juan si Donya Maria at nangakong babalik upang maihanda ang kanilang kaharian sa pagdating ni Donya Maria. Nagbilin ang dalaga na huwag magbabati ng sinumang babae sa palasyo kahit na ang ina ng prinsipe. Ang bilin ni Donya Maria ay nalimutan ni Don Juan. Isinalaysay naman ni Leonora ang nangyari sa balon. Ipinasya ng hari sa pagsang-ayon ng arsobispo na ikasal si Don Juan at si Leonora.

Bumalo si Donya Mara sa kasal. Nagpalabas siya sa pamamagitan ng negrita at negrito tungkol sa naging kapalaran nila ni Don Juan. Wlang matandaan si isa man si Don Juan kaya nagalit si Donya Maria. Dahil dito, nagpasaya ito na babasagin na lamng ang prasko. Bigla namang nakilala ni Don Juan ang kaharap na si Donya Maria at hiniling sa hari na sila’y makasal. Napakasal naman si Leonora kay Don Pedro. Pagkatapos ng kasal, ipinamana ni Haring Fernando ang setro at korona kay Don Juan ngunit tumanggi si Donya Maria. Ibigay na lamang ito kay Don Pedro.

Sina Don Juan at Donya Maria ay nagbalik sa Reino delos Crystales. Sila na ang bagong hari at reyna ng kaharian. Ang kaharian ay naging tanyag dahil sa mabubuting pamamahala. Hanggang sila ay mamatay, hindi pa rin sila malimot ng kanilang mga nasasakupan.

0

A few days ago
Kishie
yan lng ang mababahagi ko sau..

Sa alamat ng Pilipinas, ang Ibong Adarna ay isang mahiwagang ibon na nakakapagpagaling ng anumang karamdaman sa pamamagitan ng kanyang tinig. Mahirap makahuli nito dahil nakakapagpatulog ang kanyang awitin at nagiging bato ang sinuman mahulugan ng kanyang ipot

……^_^

0